Love Bird
Photo Specs:
Exposure time : 1/25 sec
Shutter speed : 1/25 sec
Exposure program : Manual
f-Stop : f/5.0
Aperture value : f/5.0
ISO speed rating : 400
Focal length : 160.0 mm
Flash : NO
Lens : 75-300 IS Canon
Love Bird
by Ella
Noong maliit pa si Ana (my one and only sibling), binigyan siya ng ninang niya ng isang pares na ibon sa isang magandang hawla. Dahil ako eh natural na usisera, madalas kong panoorin ang dalawang ibong ito. Love birds daw ang tawag sa kanila, sabi ni Tatay. Palagay ko rin, kasi wala silang ginawa kundi magtukaan maghapon. O kaya magkiskisan ng mga pakpak at katawan nila. Kapag natutulog na sila, nakasiksik pa sa isa’t isa.
What an interesting specie! Mga ibong umiibig? Hmmm….sa isip ko lang, pag nakakita kaya ng ibang seksing ibon ‘yung lalaki, magtaksil kaya siya sa kanyang mahal? To experiment, pinilit ko si Tatay na ibili ako ng isang babaeng ibon (hindi ko alam kung paano nila nalalaman na babae nga ‘yon). Balak kong isama sa mag-asawang lovebirds. Nagalit si tatay, luka-luka raw ako.
Anyway, nangyari rin ang maitim kong balak dahil isang araw, naiwan ni Ana na bukas ang pinto ng hawla. Nakawala ang isang ibon at lumipad sa bintana. Walang nagawa si Tatay kundi bumili ng bagong ibon (hindi ko pa rin alam kung babae o lalaki yung nakawala). Sabi ‘nung tindera sa pet shop, lalaking ibon daw ‘yung naiwan dahil bitbit namin yung hawla.
What happened next was unbelievable! Ayaw lapitan ng lalaking ibon ang bago niyang ka-partner. Inaaway pa! Laging nakasiksik sa sulok ng hawla si lalaki at ayaw kumain. Makalipas ang tatlong araw, nakita na lang naming matigas at malamig na bangkay na ang lalaking ibon. Nakatimbuwang sa sahig ng hawla. Naiwang mukhang tanga ang bagong love bird.
My friend’s brother was in perfect health before he died. He was in his early forties. He was happily married with two children. Two months ago, namatay ang nanay ng misis niya kaya kailangang umuwi ito sa probinsiya. To make a long story short, hindi nakabalik agad si misis. Hindi naman makasunod si mister dahil sa dalawang bata at sa trabaho niya. Nahalata ng kaibigan ko na sobrang lungkot ng kuya niya habang wala ang misis nito. Hindi raw halos makakain. Sabi ng dalawang bata, lagi daw umiiyak ang daddy nila sa gabi. Hindi pa rin umuuwi si misis.
Two weeks ago, dinala nila sa ospital si mister dahil hindi na ito makabangon. Wala naman daw nakitang sakit ang mga doktor pero patuloy na nanghihina ang kapatid ng kaibigan ko. Wala pa rin si misis. Four days ago, he died with tears in his eyes as he whispered his wife’s name with his last breath. Did my friend’s brother die of a broken heart…just like the forlorn love bird? Is this possible?
(Nobody knew what happened sa relationship nila, pero palagay nila ayaw nang bumalik talaga ni misis)
“Ibon mang may layang lumipad”…..namamatay sa lungkot kapag nawala ang kanyang mahal, tao pa kaya? Walang makakapagsabi kung gaano kahalaga ang pag-ibig sa buhay ng sino man.
posted by Ella at 6:59 PM