Sakay na kayo

Sakay na kayo!!

Ate / Kuya sakay na kayo ? palihim /pabulong pasekretong inaalok ng isang kababayan sa kapwa niya kababayan na ‘kala mo ba’y isang taong nagtitinda ng bawal na gamot, iniiwas na meron makapansin na ikaw ay nag-tataxi.( ipanag-bwal na sa dubai dahilan sa Meron ng Govt Taxi na available dito)

Carlift1

Part 1 ( Patawad nga po)

Ate : Dyan lang ako sa (Lugar), Magkano ba ?
Driver: 6 Dirhams lang
Ate: Mahal naman, 5 dirhams lang sa ibang lahi. (ugaling pinoy masabi lang na sya ay nakatawad)
Driver: yun na po ang presyuhan dito kasi tumaas na ang gasolina
Ate: Hindi na lang, antay na lang ako ng ibang lahi (bubulong-bulong pa na’ masyado naman ito driver na ‘to ang taas sumingil. Sana mahuli kayo)
Driver: o sige na nga (para lang hindi magalit at baka ma-isumbong ka pa)
Ate: teka lang kuya ! kasi nakalimutan kong bigyan ng barya yung bagger boy(ibang lahi na bagger boy ng isang supermarket o diba tumawad sa 1 dirham at naghahanap ng extra coins para meron maibigay na tip at hindi masabing sya ay kuripot).
Ate: saan ang kotse mo? Sa iyo ba to o rent a car lang?(diba nakakaasar / nakakainsulto una binibarat ka sa halaga 1 dirham, pangalawa, insultuhin ka ba ? at ituring na isang driver ka lang.)

Carlift2

Part 2 (Pinupuri o insultuhin ba)

Ate : Ang bango at ang ganda na kotse mo. Sa iyo ba to?
Driver: Opo
Ate: Ako din gusto ko bumili na kotse dito ‘kaya lang busy ako hindi ako makakuha ng lisensya. Magkano ba hulog mo dito? Utang ba to?
Driver: Opo, Car loan po ito via bank mga 1000 dirham /month.
Ate: ako ang plano ko 4×4. Second hand mo ito nabili o brand new.
Driver: Saan po tayo liliko (to divert the conversation)
Ate: Sige lang diretso mo at sasabihin ko sa iyo kapag liliko na. Magkano
ba ang brand new na 4×4.
Driver: wala po akong idea, pero hindi naman nalalayo ang presyo na saloon sa 4 x4 .
Ate: ano ba ang maganda 4×4, kasi talagang plano kong bumili.
Driver: Kaliwa o kanan
Ate: dyan lang ako sa kanto at ihinto mo na dyan. Pakitulungan mo nalang din akong ibaba ang pinamili ko.
Driver: Ok
Ate: Ito and ten dirhams sukli ko ha ( kahit hindi pa naiibot hinihingi agad ang sukli)
Driver: ito po yung 5 dirhams thank you.
Ate: Thank you din, sya nga pala kapag meron kang alam na
Kwartong available tawagan mo naman ako. ( bedspacer lang pala.)

Note: Not all Filipino’s are like this “Ate”, there are still more Filipino who
Help their countrymen. This taxi situation should be taken as a ‘give & take relation between our Filipino comrades”. You help them to save some money from a metered taxi and in return they help you to earn some penny.

Leave a Reply